番組イメージ画像

Masayang TahananLIVE

Pagsasa-himpapawid1 beses sa isang buwan, 1:30 ng hapon~ 2:00 ng hapon, Sabado. (Oras sa Japan)

https://www.youtube.com/watch?v=dLgWPKYZoTA&list=PLuvwqYD67iI6VTvzO4vUHdE4OxuxZh3Dv

Pinahuling pagsasa-himpapawid

Mga abiso mula sa programa

Titulo ng mga abiso

(Layunin po ng aming programa na mas madaling maiparating sa ating mga kababayan ang mga mahahalagang impormasyon katulad ng mga: Hakbang kung paano ang pagpapa-rehistro ng isinilang na anak; Saan magtutungo kung nais i-enroll ang anak sa paaralan; Kung ano ang nararapat gawain kung dumadanas ng pananakit mula sa kapamilya; Saan magtutungo kung nais mag-aral ng Nihongo; atbp., at upang mas madaling maipaunawa ang mga huling kaganapan sa kapaligiran, bansa at buong mundo. Kalakip na rin po nito ang hangarin na maipabatid sa ating mga kapamilya na malayo sa ating piling ang kalagayan natin sa kasalukuyan. At gayundin, layunin ng programang ito na maging daan tungo sa pagkakaroon ng koneksiyon ng lahat ng mga grupo at komunidad na sumusuporta sa mga dayuhan.)

Ang mga nagdaang pagsasa-himpapawid at mga Abiso

Ipagpapatuloy ang pagtingin

Tungkol sa programang ito

Staff ng Programa

  • Karina Ebisu

    President

  • Jasmin Miyakoshi

    Person in Charge (Study Programs)

  • Fhoy Kawaguchi

    Executive Director

  • Mary Jean Noda

    Public Relations

Grupong Nakikipag-tulungan

◆ Masayang Tahanan (Philippine Community Group in Kobe)                                                              Ang Masayang Tahanan ay isang Philippine Community na itinatag ng WORKMATE dito sa Kobe noong 2015 sa layunin na mabigyan ng pagkakataon at lugar ang mga Nanay nananinirahan dito sa Kobe na mapakinggan ang kanilang mga suliranin at magkatulungan ang isa’t-isa sa pagbibigay ng solusyon. Sa paglipas ng ilang taon ay lumaki na ang bilang ng mga miyembro ng grupo at ganap na naging independeng Philippine Community Group noong April 2020.
Ang Masayang Tahanan po ay may programang pag-aaral na ginaganap tuwing 2nd at 4th Linggo ng buwan, Nihongo Class (Basic), Nihongo Class (Para sa mga naghahandang kumuha ng JLPT), Kodomo Class at Tagalog Class sa 1:30-3:00 ng hapon, Computer Class at Caregiver Class naman sa 3:30-4:30 ng hapon.
Lumalahok din ang Masayang Tahanan sa iba’t-ibang aktibidad na isinasagawa ng iba’t-ibang organisasyon at komunidad.
Mangyaring makipag-ugnayan po lamang sa pamamagitan ng mga sumusunod para sa mga detalye na nais ninyong malaman.
Bukas po ang ating tanggapan para sa lahat ng mga Pilipinong naninirahan sa Kobe at mga karatig na siyudad na nagnanais maging miyembro at bahagi ng Masayang Tahanan.

☎ 078-862-6519
E-mail: mt4filmoms@gmail.com
Address: 〒650-0003
Hyogo-ken, Kobe-shi, Chuo-ku, Yamamoto-dori 3-chome 19-8, 3rd Floor

  • Twitter
  • Facebook
  • LINE