Paghahatid ng mga Impormasyon sa himpapawid sa Iba't-ibang Wika ng FMYYTagalog

Ang page na ito ay "Tagalog Information Site Program na naglalayon na maging madali ang pamumuhay ng mga dayuhan dito sa Japan".

Tungkol sa FMYY

Ang FMYY ay isang Community Media na naghahatid ng mga impormasyon na nasa iba’t-ibang wika.
Layunin ng FMYY bilang isang Media na maihatid ang mga impormasyon na kinakailangan ng nakararami upang magkaroon ng “Mas Mahusay na Pag-unlad ng Bayan”.

Ang mga detalye

Ang inihahatid ng programa sa kasalukuyan

Masayang Tahanan LIVE

Pagsasa-himpapawid 1 beses sa isang buwan, 1:30 ng hapon~ 2:00 ng hapon, Sabado. (Oras sa Japan)

Mga pahina ng programa

Mga abiso mula sa programa

(Layunin po ng aming programa na mas madaling maiparating sa ating mga kababayan ang mga mahahalagang impormasyon katulad ng mga: Hakbang kung paano ang pagpapa-rehistro ng isinilang na anak; Saan magtutungo kung nais i-enroll ang anak sa paaralan; Kung ano ang nararapat gawain kung dumadanas ng pananakit mula sa kapamilya; Saan magtutungo kung nais mag-aral ng Nihongo; atbp., at upang mas madaling maipaunawa ang mga huling kaganapan sa kapaligiran, bansa at buong mundo. Kalakip na rin po nito ang hangarin na maipabatid sa ating mga kapamilya na malayo sa ating piling ang kalagayan natin sa kasalukuyan. At gayundin, layunin ng programang ito na maging daan tungo sa pagkakaroon ng koneksiyon ng lahat ng mga grupo at komunidad na sumusuporta sa mga dayuhan.)

Ang iba pang pagsasa-himpapawid

Archive

There are no archived programs.

Ikaw ba ay may mga suliranin ?

Maaari kang kumunsulta at makahingi ng payo gamit ang iyong wika sa Grupo na nakatala sa ibaba.