Ukol sa Status of Residence (Zairyushikaku) ng mga International Student (Ryugakusei)

photo

* Ito ay impormasyon mula noong ika-19 ng Oktubre, 2020.

Mga taong mag-aaral sa paaralan simula ngayon.

◆ Maaaring ma-renew ang Status of Residence ng “ Student (Ryugaku) ”.

-Maaaring ma-renew kahit iba na ang papasukang paaralan.
-Kung makahingi ng permiso sa “Engage in Activity Other Than That Authorized Activity (Shikakugai Katsudo)”, maaaring mag part-time ng hanggang 28 na oras sa loob ng isang linggo.
-Sa mga pumapasok sa Japanese Language School, maaari pa rin kayong pumasok kahit lumampas na sa 2 taon.
(Sa oras na iyon, paki-renew ninyo lamang uli ang Status of Residence bilang “Student.”)

Sa mga nakapagtapos na ng pag-aaral subalit hindi makauwi sa sariling bansa

◆ Maaaring mapalitan ang Status of Residence ng “Designated Activities (Tokutei Katsudo) (6 na buwan). ”

-Sa mga gustong magtrabaho, maaaring mag part-time hanggang 28 na oras sa isang linggo. (Hindi na kailangan ang permiso sa “ Engage in Activity Other Than That Authorized Activity.”)
-Maaari uling mapalitan ang Status of Residence nang mga hindi nakauwi na nagpalit na ng Status of Residence mula sa Student sa “Temporary Visitor (Tanki Taizai)” o kaya ay “Designated Activities (6 na buwan / hindi maaaring magtrabaho).”
-Maaaring mapalitan ang “Status of Residence” nang kapamilya ng “Student” o “dating Student.”

◆ Sa mga taong may natira pa sa “Status of Residence” bilang “Student” at nabigyan na ng permiso sa “Engagein Activity Other Than That Authorized Activity” ay maaari pa ring makapag part-time ng 28 na oras sa isang linggo kahit nakapagtapos na sa pag-aaral.

Sa mga magtatapos at may mga naghihintay ng trabaho sa Japan

◆ Kung natugunan ang mga kundisyon, ang “Status of Residence ay maaaring mapalitan ng “Engineer/Specialist in Humanities/ International Services (Gijutsu, Jinbun Chishiki, Kokusai Gyomu)”.

Pagkatapos ng pagtatapos at sa Japan gustong maghanap ng trabaho

(*Sa mga nakapagtapos lamang po sa Unibersidad (Daigaku), Kolehiyo ng Teknolohiya (Koto Senmon Gakko), Vocational School Specialized Course (Senshu Gakko Senmon Katei).)

◆ Papalitan ang “Status of Residence” ng “Designated Activities” dahil maaaring maghanap ng trabaho sa loob ng isang taon pagkatapos ng pagtatapos.

-Kapag pinalitan, kahit lumampas ng 1 taon ay maaari pa ring makapaghanap ng trabaho sa Japan.
-Kung mabigyan ng permiso sa “Engage in Activity Other Than That Authorized Activity,” maaaringmakapag part-time ng hanggang 28 na oras sa isang linggo.

Lugar na Maaaring Komunsulta sa Iba’t-ibang Wika ng Ukol sa “Status of Residence (Zairyushikaku)”
Multilingual Consultation Centres (Chiiki Kokusai-ka Kyokai)
http://www.clair.or.jp/j/multiculture/association/consultation_list.html
Yorisoi Hotline
https://www.since2011.net/yorisoi/

Sanggunian/Pinagmulan

“Pag-asikaso sa mga dayuhan na nahihirapang bumalik sa kanilang sariling bansa o ibang bansa”
(Ini-update noong ika-19 ng Oktubre, 2020 ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/isa/content/930005847.pdf
→Mula rito ang edisyon para sa iba’t-ibang wika:
http://www.moj.go.jp/isa/nyuukokukanri01_00155.html

“Ukol sa pag-asikaso nang mga aplikasyon para sa status of residence nang mga nahihirapang bumalik sa Japan na may mga medium to long term na status of residence na mga dayuhan at mga dating may medium to long term na status of residence na mga dayuhan dahil sa epekto ng impeksiyon ng Corona Virus Disease o COVID-19”
(Ini-update noong ika-19 ng Oktubre, 2020 ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/content/001320105.pdf

“Pakikipagtalastasan sa mga dayuhang estudyante ng ukol sa kumakalat na impeksiyon ng Corona Virus Disease o COVID-19”
(Ini-update noong ika-19 ng Oktubre, 2020 ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/content/001318472.pdf