Walang bayad ang pagpaturok ng bakuna sa Covid-19.
Ang mga pansamantalang nakalaya (kari homen) at iba pa, mga walang resident card (juminhyo) na mga dayuhan ay maaari din na magpabakuna.
❶ May darating na “Abiso ng Pagpapaturok ng Bakuna sa Covid-19” at “Tiket sa Bakuna (Kupon)” mula sa munisipalidad.
Ang panahon na makatatanggap ng tiket sa bakuna ay magkakaiba depende sa edad at lugar.
Ang mga walang resident card (juminhyo) na mga dayuhan ay mangyaring kumunsulta sa munisipyo ng lugar kung saan kayo naninirahan, at ipakita ang kahit anong mapagkakakilanlan na nakalagay ang tirahan.
Sample ng Tiket sa Bakuna (Sample sa Lungsod ng Kobe. And disenyo ay nagkakaiba depende sa munisipyo.)
❷ Magpareserba ng pang-1 beses na bakuna
Ang bakuna ay 2 beses. Una sa lahat ay magpareserba muna ng pang-1 beses.
・Kung magpapabakuna sa itinakdang lugar ng munisipalidad
Magpareserba mula sa site para sa reserbasyon ng munisipalidad, o kaya ay tumawag sa call center ng munisipalidad para magpareserba.
Sa “Abiso ng Bakuna” ay nakasulat ang URL atQR Codeng site para sa reserbasyon, at numero ng telepono ng call center.
・Kung magpapabakuna sa institusyong medikal (palaging pinupuntahang hospital at iba pa)
Iba sa munisipalidad ang paraan ng pagpareserba, kaya mangyaring tingnan na lamangsa abiso o kaya ay sa homepage ng munisipalidad.
Maaaring pagpareserba ng direkta sa institusyong medikal (homepage o kaya ay telepono)at maaari din na magpareserba sa site ng reserbasyon ng munisipalidad o kaya ay mula sa call center.
Ang mga institusyong medikal kung saan maaaring magpabakuna ay maaaring hanapin sa site na nasa ibaba (Wikang Hapon at Wikang Ingles lamang)
Wikang Hapon:https://v-sys.mhlw.go.jp/search/
Wikang Ingles:https://v-sys.mhlw.go.jp/en/search/
Ang iba pa ay maaari na ring makapagpabakuna sa pinagtatrabahuhan o kaya ay sa pinapasukang unibersidad.
※Mangyaring mag-ingat na huwag magpareserba sa 2 o higit pang lugar.
※Ang paraan o kaya ay pamamaraan ng pagpareserba ay maaaring magbago sa hinaharap.
❸ Magpapaturok ng pang-1 beses na bakuna
Mga dadalhin: Tiket sa bakuna,
Katunayan ng mapagkakakilanlan (residence card, passport, my number card, at iba pa),
Slip ng pagsusuri “yoshin-hyo”(Matatanggap kasabay ng tiket sa bakuna at sulatan. Tingnan ang nasa ibabang site para sa bersyon ng iba’t-ibang wika na sanggunian.)
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/vaccine_tagengo.html
❹ Magpareserba ng pang-2 beses na bakuna
❺ Magpapaturok ng pang-2 beses na bakuna
Pagkatapos na maturukan ng bakuna, maghintay ng 15~30 minutos sa lugar.
May mga sumasama ang pakiramdam pagkatapos na maturukan ng bakuna.
Kung grabe ang mga sintomas, na hindi gumaling-galing kahit ilang araw na ay kumunsulta sa institusyong medikal.
Kahit naturukan na ng bakuna, ay ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng mask at iba pa bilang pangontrol sa impeksyon.
Ukol sa pangkalahatang bagay tungkol sa bakuna:
Ministry of Health, Labour and Welfare’s Covid-19 Call Centersa Bakuna
0120-761770(Libre / Tumatanggap kahit Sabado,Linggo,Pista Opisyal)
Wikang Hapon / Ingles / Intsik / Koryano / Portugal / Espanyol:9:00-21:00
Thai:9:00-18:00
Vietnamese:10:00-19:00
※Magsasalita ng wikang Hapon sa una. At mangyaring sabihin ang
“Tsuyaku o shite hoshii (nais ko po ng interpreter)”.
Ukol sa Pagpareserba:Mangyaring kumunsulta sa munisipyo ng tinitirhan ninyong lugar.
[Pinagkunan・Sanggunian]
「ワクチン 接種までの流れ 接種予約は」(NHK 新型コロナウイルス特設サイト)
https://www3.nhk.or.jp/news/special/coronavirus/vaccine/flow/
「コロナワクチンナビ」(厚生労働省)
https://v-sys.mhlw.go.jp/
「外国人住民向けにコロナワクチン情報発信。多言語コールセンターや17言語でのお知らせも」
(Buzz Feed)
https://www.buzzfeed.com/jp/sumirekotomita/covid-vaccine-1
「接種券見本」(神戸市)
https://www.city.kobe.lg.jp/documents/42676/t-1.pdf