Makakatanggap ng “Benepisyo para sa mga Nawalan ng Trabaho (Shitsugyo Kyufu)” ang mga taong tumigil o kaya ay nawalan ng trabaho hanggang sa makakuha uli ng panibagong trabaho.
Mga 50%~80% ng sahod bago nawalan ng trabaho ang matatanggap na pera.
①Gustong makapagtrabaho agad, naghahanap ng trabaho
②Kapag nagbitiw ka sa trabaho dahil pinagbitiw ng kumpanya:
Sa loob ng 1 taon hanggang sa pagbibitiw sa trabaho, ay mahigit 6 na buwan na kasapi sa “Employment Insurance (Koyo Hoken).”
Kapag sariling kagustuhan ang pagbibitiw sa trabaho:
Sa loob ng 2 taon hanggang sa pagbibitiw sa trabaho ay mahigit 12 buwan na kasapi sa “Employment Insurance.”
Ang mga taong hindi kasapi sa “Employment Insurance” at mga nagtatrabaho bilang freelancer ay hindi makakatanggap.
Humingi sa pinagtrabahuhang kumpanya ng “Employment Insurance Insured Turnover Slip (Koyo Hoken Hihokensha Rishokuhyo).”
↓
Pumunta sa Hello Work na nasa lugar ng tinitirhan at iproseso na “Karapat-dapat na Makatanggap (Jukyu Shikaku Kettei)” at “Aplikasyon para sa Paghahanap ng Trabaho (Kyushoku No Moshikomi).”
・Residence Card (Zairyu Card) ※
・Papeles na nakasaad ang pansariling numero (Halimbawa: My Number Card)
・Selyo (Inkan)
・Nasa sariling pangalan na libreta sa bangko o kaya ay cash card.
・Larawan ng mukha 2 piraso (Taas 3 cm, Lapad 2.5 cm)※Sa mga Hapon ang nasyonalidad na walang “My Number Card,” kinakailangan ang papeles ng mapagkakakilanlan.
Pakitanong na lamang sa Hello Work.
Kapag nagbitiw sa trabaho dahil pinagbitiw ng kumpanya: 7 araw mula sa araw ng pagproseso.
Kapag sariling kagustuhan ang pagbibitiw sa trabaho: Mula sa araw ng pagproseso ay 7 araw + 3 buwan (※1)
→ 7 araw lang ang ipaghihintay
①Nahawaan ng COVID-19 ang kapamilyang kasamang naninirahan at kinakailangan ang mag-aalaga kaya nagbitiw sa trabaho.
②May nahawaan ng COVID-19 sa lugar na pinagtatrabahuhan kaya nagbitiw sa trabaho dahil ayaw mahawaan ang sarili.
③Ang sarili o kaya ay ang kapamilyang kasamang naninirahan ay may pinagbabatayang sakit (kiso shikkan) / buntis/ matanda , at para hindi mahawaan ay nagbitiw sa trabaho.
④Dahil sa epekto ng nakakahawang COVID-19 ay kinakailangan ng anak ng isang gagabay na magulang kaya nagbitiw sa trabaho.
Kung nag-proseso na nang “Benepisyo para sa mga Nawalan ng Trabaho” at nasa ①~④ naman, at mas matagal pa sa 7 araw na naghihintay, pumunta sa Hello Work na nasa lugar ng tinitirhan at komunsulta.
Mula sa sumunod na araw nang mawalan ng trabaho ay makakatanggap sa loob ng isang taon (※2) na tiyak ang bilang ng araw .
Ang matatanggap na bilang ng araw ay magbabago sa pinagtrabahuhang bilang ng taon sa Japan.
・Kapag hindi nakapunta ng Hello Work para sa pag-iwas na hindi mahawa sa COVID-19
・Kapag may sintomas na parang nahawaan ng COVID-19
・Kapag kinakailangan ng anak ng isang gagabay na magulang dahil sa epekto ng nakakahawangCOVID-19
Hello Work
Lugar na May Interpreter na Hello Work (simula Mayo 2020)
https://www.mhlw.go.jp/content/000592865.pdf
<Employment Insurance Insured Turnover Slip 1>
<Employment Insurance Insured Turnover Slip 2>
Kung hindi nagbigay ng “Employment Insurance Insured Turnover Slip” ang kumpanya, paki-tanong mismo ang kumpanya.
Kapag nabigyan ng “Employment Insurance Insured Turnover Slip”, sa “Rason ng Pagbitiw sa Trabaho (Rishoku Riyu) [Rason ng Pag-alis sa Trabaho]” ay lagyan ng palatandaan.
Kapag ikaw ang nagsabi ng “magbibitiw sa trabaho,” iyan ay “pansariling kagustuhan.”
Kapag ang kumpanya ay sinabihan ka na “magbitiw ka sa trabaho,” iyan ay “kagustuhan ng kumpanya.”
Sa totoo lang ay may kumpanyang sinasabing “pansariling kagustuhan” kahit na “kagustuhan ng kumpanya”.
Kapag “kagustuhan ng kumpanya ay hindi makakahanap ng panibagong trabaho” ang sinasabi na kasinungalingan. Kaya mag-ingat.
※Kung kapag dahil sa epekto ng COVID-19 kaya nagbitiw sa trabaho, ipasulat po ninyo ang bagay na iyan.
<Sanggunian・Pinagmulan> (Wikang Hapon)
Hello Work
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/insurance/insurance_basicbenefit.html
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/insurance/insurance_procedure.html
Gabay sa Paggamit ng Hello Work
http://hellowork.kilo.jp/risyokusyoumeisyo.html
Ministry of Health, Labor and Welfare
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/koyou_roudou/koyou/koyouhoken/index_00003.html
※ “Sa Mga Nagbitiw Sa Trabaho” Ang PDF ay may nakasalin sa Ingles.
https://www.mhlw.go.jp/file/06-Seisakujouhou-11600000-Shokugyouanteikyoku/0000198944.pdf
Mga Natatanging Hakbang Dahil Sa COVID-19 (Tokurei Sochi) (Ministry of Health, Labor and Welfare)
https://www.mhlw.go.jp/content/11600000/000628804.pdf
https://jsite.mhlw.go.jp/chiba-roudoukyoku/content/contents/000642457.pdf
withnews, Yahoo!News (Artikulong Isinulat Ng Kawani ng POSSE na isang NPO)
https://withnews.jp/article/f0200410007qq000000000000000W0ej11101qq000020871A
https://withnews.jp/article/f0200606003qq000000000000000G00111101qq000021162A
https://news.yahoo.co.jp/byline/konnoharuki/20200413-00173041/