2021年4月のAWEPあんしんつうしんは、「BATA at EDUKASYON」と「Earth Day 2021 」についてです。
Ano nga ba ang EARTHDAY? Ito ay isang organisasyon pinasimulan nuong 1970 sa paglalayong, imobilisa ang mamamayan para sa pagprotekta, pag-aalalaga at pagkakaroon ng “conscious awareness” o kamalayan upang maingatan ang ating daigdig.
SA pagdiriwang ng EARTH DAY sa ika-22 ng Abril s taong 2021. Nais po naming makibahagi sa pagpapalawak ng kaalaman sa paghihiwa-hiwalay o waketon ng ating mga basura. Pangunahin layunin ng EARTH DAY ang mapangalagaan ang ating daigdig, mapagalagaan ang kalikasan para sa mga tao at hayop na nakatira dito.
Isa sa pinaka mahalagang bagay ukol dito ay ang pag RECYCLE.
Maraming bagay ang maaaring i-RECYCLE. Para sa mga dayuhan, misis na nakikinig may mga tips kaming gusto ibahagi para sa pagrerecycle sa inyong bahay.
Marahil madali ng unawain natin ang mga pag-iipon ng mga karton o damboru. Kung mayroon sa bagay kadalasan nilulupi natin ito at pagsasama samahin at itatali upang masmadaling ilabas sa araw ng pagkuha. Gayun din sa mga magasin at dyaryo.
Ngunit alam mo bang ang iba pang maliliit na papel galing sa polyeto na nasa loob ng ating meylbox ay maaari rin ipunin at isama bilang recyclable items.
Kadalasan ito ay inilalagay na lamang natin sa `blue plastic`(kobe city)dahil sa pag-aakalang ito ay `gomi` ngunit maari pa rin itong i-recycle upang ito ay mapakinabangan. Maliit na bagay kung iisipin ngunit napaka-halaga para sa kamalayan ng importasya ng pang kalikasan. Makakabawas tayo sa mga basurang kailagang sunugin o itapon sa ibang lugar. Makaktulong tayo na mapagaan ang problemang pang-kalikasan.
Bilang ina ng tahanan, bilang isang nag-aaalalang mamamayan, maaari tayong makatulong sa pag-aalaga ng daigdig sa papamagitan ng maliit nating paraan. Magsimula tyo sa ating tahanan. Maliit na bagay na maaaring lumaki kung ito`y ating pababayaan.
Papel na hindi maaaring i-recycle
1. Maruming papel gaya ng basa, may amoy dahil pinagbalutan ng anumang maruming bagay
2. Ginutay-gutay na papel o shredded paper
3. Wax paper/ plastic-coated paper/ foil-coated paper
Papel na maaaaring i-recycle
1. Office paper
2. Magasin
3. Junk mail
4. Polyetos
5. Advertisement
6. Newspaper
7. Colored papers
8. Cardboard
9. Katalogo
10. Phone books
11. Karton ng gatas
12. Karton ng mga tsokolate at sitserya
13. Papel galling sa mga doctor