Opening: Hi! Guys hello! Hello! po, at magandang magandang araw po sa inyong lahat. Narito po kaming muli para maghatid ng mahahalagang inpormasyon at mahahalagang kaganapan sa kapaligiran ng japan.
Jasmine and Valerie: Kamusta po kayo diyan sana nasa Mabuti po kayong kalagayan ngayon po hindi kita ang aming kagandahan, nalimot po naming ang aming faceshield, pero po ang mahalaga ay maibahagi naming sa inyo ang mahahalagang inpormasyon.
Jasmine: Kamusta ka naman Val? Kamusta ang buhay buhay?
Valerie: okey lang [happy then smile]
Jasmine: Mukhang masaya at blooming na blooming ang ate Valerie natin ngayon.
Jasmine and Valerie: pasensya na po kung makakarinig kayo ng mga ingay ng mga bata, wag po sana silang mag ingay, sana pakiusap wag po kayong maingay. Pakihinaan po ang mga boses.
Valerie: wala po kasing klase ngayon.
Jasmine and Valerie: Alam po natin Buwan ng mga puso ngayon, pero mag pokus po kami ngayon sa pandemia, Na hanggang ngayon hindi parin nawawala ang virus dito sa ating bansa. Hindi lang dito sa Japan kundi sa buong mundo. Ngayon po magbibigay kami ng inpormasyon tungkol sa Corona Virus. Dahil ang State of Emergency ay pinapatupad parin hanggang ngayon, na inanunsyo noong Enero 13, 2021 7pm na ang hyogo prefecture, Osaka, at Kyoto ay kasama na sa state of emergency
Na na extend ito until march 7 2021 kaya po ibayong ingat at huwag matitigas ang ulo, na extend din sya dahil mas lalong lumalala ang mga infected at nahahawaan ng corona virus. Ang nagiging problema natin ngayon yung dating Corona Virus ay nagkaroon ng mutant Virus. Nayon po ang bilis ng pagkakahawa ng mga mutant virus eh, mas mabilis mas mabagsik at walang pinipiling edad matanda at bata ay pwedeng mahawaan nito. Kung yung dating old corona virus ay 1.5% ang bilis ng pagkakahawa, ang mutant naman ay may 1.7% ang bilis ng pagkakahawa. Ang governor ng Hyogo prefecture ay nag anunsyo na magdadagdag ng facilities para sa pag accept ng mga nahawaan ng corona virus, at mga hospitals beds. Ninanais nga ng Governor ng Hyogo na hanggat maaari ay sa hospital magpagaling para malapatan ng lunas ang mga nahawaan ng corona virus.Ngunit hindi ganoon ang nangyayari,
Dahil nga sa marami ang nahahawaan at infected, hindi na kinakaya ng mga hospitals pang tumanggap ng pasyente kaya marami na ang na papayuhan sa bahay nalang mag pagaling kapag ang sintomas ay hindi masyadong Malala. Kaya ang nangyayari maraming namamatay sa kadahilanang hindi namomonitor ito at hindi na papansin na lumalala na pala ito at hindi na umaabot sa hospital. Kaya namamatay na ang mga pasyente. kaya po ibayong pag-iingat. Parati po natin isa alang alang ang ating kalusugan, kaya panatilihin natin ang disiplina sa ating sarili. Parati po tayong mag-hugas ng kamay, huwag kakalimutan magsuot ng facemask kung lalabas at makikihalubilo sa ibang tao. Pagpupunta sa restaurant 3 o hanggang 4 na tao lamang kung maaari sa isang grupo, at huwag masyadong magtatagal sa loob ng restaurant, iwasan mag-usap ng malakas ang boses at mag facemask parin. Sa mga naninigarilyo dapat sa tamang lugar manigarilyo at huwag gagamit ng toilet sa paninigarilyo. Or hanggat maari ay itigil muna natin ang paninigarilyo para mas lalong lumakas ang ating immune system. At huwag na huwag kalimutan ang social distancing, kahit malamig ang panahon magbukas tayo ng bintana kada isang oras para sa bentilasyon or pagpapalit ng hangin sa loob ng bahay.
Ate Fhoy: kailangan po malaman ang term na Happy Hypoxia
Jasmine and Valerie: tanungan about sa happy hypoxia Happy Hypoxia ang tawag sa tao na infected na pala ng corona virus pero hindi alam ang mga sintomas o hindi nakikitaan ng sintomas at bigla bigla nalang umaatake ng hindi mo namamalayan. Walang lagnat etc. bigla bigla nalang sasakit ang lalamunan biglang pagsikip ng dibdib, nahihirapan huminga, pag hindi ka maagapan mamamatay ka, kung sa hospital ka inabutan ng atake pwede malunasan kung nalapatan agad ng lunas ang nasabing sakit.
Ate Fhoy: Yung mga taong may ganitong sintomas hindi natin masasabi, kasi walang pinipiling edad matanda at kahit bata dahil nga sa mutant na nangyari na lumalabas ngayon.kaya kahit bata pwede mahawaaan.Hindi lang sarili natin ang iisipin natin pati yung nasa paligid natin, lalong lalo na yung mga family natin magingv alerto tayo sa pagtingin sa kanila. Ang Happy Hypoxia kahit magaan ang sintomas nito pero bigla bigla itong umaatake. Kapag walang kasama ang mga isang tao hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kanya o sa kanila kasi walang tutulong sa kanyao sa kanila, kaya dapat maging alerto tayo sa paligid natin. Para makatulong rin tayo.
Jasmine and Valerie: Kaya ang mga eksperto ay may hinala na nagkalat na ang mga ito sa mga pangunahing syudad.
Ate Fhoy: Ang susunod naman pong pag uusapan natin ang mga natutunan ng mga nanay natin at advice nila sa shinjin gakkusei please.
Jasmine and Valerie: Ngayon naman po ibabahagi naming ang aming mga karanasan noong magsisimula palang ang aming anak sa grade 1. Kung mag grade 1 ang anak mo o nyo this year, last year ng setyembre Mag papadala ng sho gakko annai o mga dokumento nadapat pirmahan para sa pag aaral sa elementariya, Kung saan munisipalidad na nasasakop ang inyong tirahan o address kasi may tinatawag tayong schoo zone, sa mga dokumentong natanggap ang mga nilalaman nito ay malalaman nyo kung kailan pupunta sa school, anong paaralan mag aaral at saan pupunta. Pagkatapos nyo pirmahan ang mga dokumento ay maari itong ipasa sa ward office o sa pamamagitan ng koreo.
Valerie: Ikaw ate Jas ano ang na experience mo?
Jasmine and Valerie: nung makatanggap ako ng dokumento wala akong alam na iton na pala ang dokumento para sa pag aaral ng anak ko sa elemtariya kaya nag hanap ako agad ng mag sasalin nito sa wikang tagalog para maintindihan ko ang mga dokumento at maipasa agad sa ward office Ikaw Val ganun din ba ang naexperience mo?
Advertisement: mag chikahan tayo mga misis
FMYY and AWEP project
Masayang tahanan Philippine community in kobe
Closing: Magkitakita po tayong muli sa susunod na segment ng Masayang Tahanan youtube blog ako po si jasmine at sya naman po si Valerie at ate fhoy,. Bye! Bye!