Pagpapaturok ng Bakuna sa Covid-19 ng mga Taong nasa Short-stay ang Status (Tanki Taizai) o kaya ay Pansamantalang Nakakalaya (Kari Homen Chu) at iba pa

Maaaring magpaturok ng bakuna sa covid-19 ang mga taong nasa short-stay ang status (tanki taizai), o kaya ay pansamantalang nakakalaya (kari homen chu), nag-aapply ng permiso para pansamantalang makalaya (kari homen kyoka shinsei-chu), at iba pa.
Libre po ang pagpapaturok.

1. Humingi ng Tiket sa Bakuna

Kumunsulta sa munisipyo ng tinitirhang lugar, at mangyaring humingi ng tiket sa bakuna.

・Ang mga taong ang status of residence (zairyu shikaku) ay wala pang 3 buwan, mga taong nasa “Diplomasya (gaiko)” at “Opisyal (koyo)” pati na rin ang “Short-stay ang status (tanki taizai)”
(Dahil sa Covid-19 ay hindi nakauwi sa sariling bansa, kapag mahigit ng 3 buwan ang pananatili sa Japan)

Makakatanggap ng gaya ng nasa ibabang postcard mula sa Immigration Services Agency of Japan.

card1

card2

(1) postcard
(2) Mapagkakakilanlan (pasaporte at iba pa)
ay mangyaring dalhin sa pagpunta sa munisipyoKung walang postcard, mangyaring dalhin ang mga nasa ibaba.
(1) Makakapagpatunay ng aktwal na kondisyon ng paninirahan (resibo ng binayarang utility bills at iba pa)
(2) Mapagkakakilanlan (pasaporte at iba pa)

Sa mga taong pansamantalang nakakalaya

(1) Form ng permiso para pansamantalang makalaya (kari homen kyoka-sho), o kaya ay notipikasyon mula sa immigration ng inyong lugar ukol sa pansamantalang paglaya.
(2) Mapagkakakilanlan (pasaporte at iba pa)
ay mangyaring dalhin sa pagpunta sa munisipyo.

Sa mga taong nag-aapply ng permiso para pansamantalang makalaya

(1) Makakapagpatunay ng aktwal na kondisyon ng paninirahan (resibo ng binayarang utility bills at iba pa)
(2) Mapagkakakilanlan (pasaporte at iba pa)
ay mangyaring dalhin sa pagpunta sa munisipyo.

tg

※ Ang mga kinakailangan para makahingi ng tiket sa bakuna ay magkakaiba depende sa minisipalidad. Mangyaring magtanong sa munisipyo ukol sa mga detalye.
※ Kahit hindi makakapaghanda ng (1) o kaya (2), una ay mangyaring kumunsulta sa consultation window o kaya ay sa munisipyo.

2. Magpareserba ng Pagpapaturok sa Bakuna

Magpareserba mula sa site ng reserbasyon o kaya ay sa call center at iba pa.
Nakasulat sa nasa ibabang page ang paraan ng pagpareserba at iba pa.
https://tcc117.jp/facil/covid-ml-info/tl/daloy-hanggang-sa-maturukan-ng-bakuna-sa-covid-19/
Mangyaring magtanong sa munisipyo ng ukol sa detalye.

3. Korner ng Konsultasyon Ukol sa Pagpapaturok ng Bakuna

Ukol sa problema sa pagpaturok ng bakuna:

・Consultation Center Ukol sa Bakuna ng Covid-19 para sa mga Dayuhan (Organizer: CINGA)
03-6261-6356
10:00 a.m. ~ 4:00 p.m. Lunes ~ Biyernes
(Sarado ng Sabado / Linggo at Pista Opisyal)
※Ang tumutugon na wika ay madaling maintindihan na wikang Hapon nga lang, subalit maaari ding ikonekta sa ibang wika ang pagtugon.
Page para sa Gabay:
https://www.cinga.or.jp/2108/(Wikang Hapon / Ingles / Vietnamese)
https://www.cinga.or.jp/2167/(Wikang Hapon lamang / nakasulat din ang listahan ng korner ng konsultasyon ng lugar)

・International Association sa lugar na inyong tinitirhan at iba pa
Mahahanap mula sa page sa ibaba.
Wikang Hapon:http://www.clair.or.jp/j/multiculture/association/consultation_list.html
Ingles:http://www.clair.or.jp/e/multiculture/tagengo/consultation-centers.html

・FRESC Help Desk (Immigration Services Agency of Japan)
0120-76-2029
9:00 a.m. ~ 5:00 p.m. Lunes ~ Biyernes
(Sarado ng Sabado / Linggo at Pista Opisyal)
Tumutugong Wika: Madaling maintindihan na wikang Hapon / Ingles / Intsik / Koreyano / Espanyol / Portugal / Vietnamese / Nepal / Thai / Indonesia / Tagalog / Myanmar / Khmer / Mongol / Pranses / Sinhara / Urdu / Bengali
※ Sa una ay madaling maintindihang wikang Hapon ang magsasalita, pagkatapos ay papasok ang interpreter na nasa itaas na wika ang maaaring ikonsulta.
Ukol sa Pagpareserba:
Mangyaring kumunsulta sa munisipyo ng tinitirhan ninyong lugar.

《 Pinagkunan / Sanggunian 》
「FRESC多言語ワクチン接種サポート」(出入国在留管理庁)
https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/vaccine_covid19.html
出入国在留管理庁から送るはがき
https://www.moj.go.jp/isa/content/001357058.pdf

「入管法等の規定により本邦に在留することができる外国人以外の在留外国人に対する新型コロナウイルス感染症に係る予防接種について」(厚生労働省)
https://www.mhlw.go.jp/content/000763148.pdf

「【特別転載】新型コロナウイルス感染症のワクチン接種の外国人に対する取り扱いについて」(特定非営利活動法人 移住者と連帯する全国ネットワーク)
https://migrants.jp/news/blog/20210803.html

「CINGA主催 外国人新型コロナワクチン相談センター」(CINGA)
https://www.cinga.or.jp/2108/

「ワクチンをうけたい あなたのまちの外国人相談」(CINGA)
https://www.cinga.or.jp/2167/

この記事を他の言語で見る
アラビア語 インドネシア語 英語
韓国語 クメール語 スペイン語
タイ語 タガログ語 中国語
ネパール語 ビルマ語 フランス語
ベトナム語 ペルシア語 ポルトガル語
マレー語 モンゴル語 ロシア語
ベトナム語 日本