Sistema ng suporta sa pagpapatala sa Pinaka-mataas na Paaralan

student image

Ito ay sistemang tulong ng gobyerno sa matrikula sa pinaka-mataas na paaralan.

Publikong Pinaka-mataas na paaralan: Maaari kang makakuha ng hanggang sa 118,800-yen sa isang taon
→Kabayarang matrikula ay 0 yen

Pribadong Pinaka-mataas na Paaralan: Maaari kang makakuha ng tulong mula sa 118,800-yen hanggang 396,000-yen sa isang taon
→Kabayarang matrikula ay may kaunting babayaran (Depende sa kinikita ng taga-pangalaga)

Ang bansa ang nagbabayad ng matrikula sa paaralan.
Ang mag-aaral at pamilya ay hindi makakatanggap ng anumang salapi.

Sa simula ng pasukan, ipapaalam sa iyo ng paaralan ang tungkol sa sistemang ito.
Sa mga nais gamitin ang sistemang ito ay magpatala lamang sa paaralan.
Sa mga hindi nakapag-patala ay kailangang magbayad ng matrikula.

Ang maaaring gumamit ng sistemang ito ay mga naninirahan dito sa bansang Hapon at pumapasok sa pinaka-mataas na paaralan.

Paaralang mapag-gagamitan
・ Pinaka-mataas na paaralan (Koto gakko) (Pang-buong araw, Pang-kalahatiang araw, Pagsusulatan)
※Maliban sa mga pangunahing at espesyal na kurso (Senko-ka/ bekka)
・ Ikalawang kalahati ng mga sekundaryong paaralan (Chuto kyoiku gakko)
※Maliban sa mga pangunahing at espesyal na kurso (Senko-ka/ bekka)
・ Pinaka-mataas na paaralan ng mga espesyal na pangangailangan (Tokubetsu shien gakko)
・ Bokasyonal sa pinaka-mataas na paaralan (Koto senmon gakko) (1taon hanggang 3 taon lamang)
・ Pandalubhasang Paaralan (Senshu gakko) (Mas mataas na kurso/ pangkalahatang kurso),Iba’t-ibang paaralan (Kakushu gakko)

Maaari din itong magamit sa mga banyagang paaralan.
Sa mga nakasaad na pangalan ng paaralan lamang na nasa Homepage sa ibaba
https://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/mushouka/1307345.htm

Gayunpaman, ang mga nag-patala sa alinman sa mga sumusunod ay hindi maaaring gumamit ng sistemang ito.
・ Ang taunang kita ng tagapag-alaga ay nasa 9.1 milyong yen o higit pa
・ Mga nagtapos na sa Pinaka-mataas na paaralan
・ Ang mga nasa 36 na buwan ng nasa pinaka-mataas na paaralan.

Mga kailangan sa pagpapatala
Ipasa sa pinapasukang paaralan ang mga nasa ibaba.
・ Aplikasyon sa pagpapatunay ng pagiging karapat-dapat (jukyushikaku nintei shinseisho) (Makukuha sa paaralan. Sagutan ang mga kailangang sagutan)
・ Kopya ng “Kard ng Sariling Numero (My Number Card)” o Kard Pang-residente na may nakasaad ng
Sariling numero (My Number) ng Kard.

Sa halip na isang kopya ng Kard ng Sariling Numero (My Number Card), maaaring kailanganing mag-isyu ng isang dokumento sa buwis (sertipiko sa pagbubuwis).
Ito ay nakasalalay sa prepektura kung saan matatagpuan ang paaralan.
Mangyaring makinig ng mabuti sa impormasyon ng paaralan.

Ang sistemang ito ay maaari lamang magamit ng mga nakumpleto ang mga pamamaraan sa buwis (lokal na buwis ng naninirahan).
Mangyaring tiyaking makumpleto ang pamamaraan (pagdedeklara ng lokal na buwis sa paninirahan) bago mag-patala.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring pumunta sa tanggapan ng mataas na paaralan.

Malinaw na paliwanag ay maari ding makita sa Homepage ng Ministri ng Edukasyon
(wikang Hapon lamang)
https://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/mushouka/index.htm

Pinagmulan・Sanggunian
「高校生等への就学支援」(文部科学省)
https://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/mushouka/1342674.htm

「高校で勉強したい外国人のみなさんへ~高等学校等就学支援金制度のことを教えます~」(文部科学省・出入国在留管理庁)
http://www.moj.go.jp/isa/support/portal/guidebook_education.html

この記事を他の言語で見る
中国語 インドネシア語 英語
韓国語 クメール語 スペイン語
タイ語 タガログ語 ネパール語
ベトナム語 ビルマ語 フランス語
ポルトガル語 ペルシア語 マレー語
モンゴル語 ロシア語 日本