*Ito ay impormasyon mula noong ika-19 ng Oktubre, 2020.
Hindi makauwi sa sariling bansa/Hindi makapag-training
◆Maaaring mapalitan ang “Status of Residence” ng “Designated Activities (Tokutei Katsudo) (6 na buwan / maaaring makapagtrabaho)” o kaya ay “Designated Activities (6 na buwan / hindi maaaring magtrabaho)”.
-Kung patuloy ang katayuan na mukhang hindi makakauwi ng sariling bansa, maaaring i-renew ang “Status of Residence”.
Kapag nakakuha ng panibagong trabaho, maaaring mapalitan ang “Status of Residence” ng “Designated Activities (6 na buwan / maaaring magtrabaho).
●Sa taong tapos na ang“Technical Training” subalit hindi makauwi sa sariling bansa.
◆Kung hindi makahanap ng panibagong lugar na makakapag-training, maaaring mapalitan ang “Status of Residence” ng “Designated Activities (maximum ang 1 taon / maaaring makapag-trabaho)”.
-Maaariito sa trabahong iba sa dating training (para lang sa caregiving o kaya ay sa agrikultura at iba pana may 14 na klase ng larangan lamang).
*May mga ilang kundisyon na dapat matugunan, tulad nang bilang isang taong may balak magpatuloy sa pagtatrabaho upang makakuha nang mga kasanayan para maging karapat-dapat na makapagtrabaho bilang isang “Specified Skilled Worker (Tokutei Gino)”.
Sa site sa ibaba ay may paliwanag na gamit ang ilang wika.
http://www.moj.go.jp/isa/nyuukokukanri14_00008.html
(Wikang Hapon, Madaling Wikang Hapon, Ingles, Intsik, Vietnamese, Tagalog, Portuguesel, Nepal, Indonesia, Espanyol)
Sa mga taong magpapatuloy ng training sa Japan
◆Kumuha ng pagsusulit at hanggang sa makapagpatuloy sa sunod na antas ay maaaring palitan ang “Status of Residence” ng “Designated Activities (4 na buwan / maaaring magtrabaho)”.
*Para lamang ito sa parehas ang trabahong gagawin sa parehas na lugar nang training.
◆Habang nagpi-prepara, maaaring palitan ang “Status of Residence” ng “Designated Activities” (4 na buwan / maaaring magtrabaho ).
(Ang mga taong nakapag-prepara na ay maaaring palitan ang “Status of Residence” ng “Soecified Skilled Worker No.1”.)
*Para lamang ito sa parehas ang trabahong gagawin sa parehas na lugar nang training.
◆Maaaring mapalitan ang “Status of Residence” ng “Technical Training No.3”.
*Kapag rekognisadolamang na “napakahusay (yuryo) ng “Nangangasiwang Samahan (Kanri Dantai)” o ng kumpanya kung saan nagti-training. Pakitanong na lamang ang kumpanya o kaya ay ang “Nangangasiwang Samahan”.
Lugar na Maaaring Komunsulta sa Iba’t-ibang Wika Ukol sa “Status of Residence”
Multilingual Consultation Centres (Chiiki Kokusai-ka Kyokai)
http://www.clair.or.jp/j/multiculture/association/consultation_list.html
Yorisoi Hotline
https://www.since2011.net/yorisoi/
Organization for Technical Intern Training/Konsultasyon gamit ang Sariling Wika
https://www.otit.go.jp/
Sanggunian/Pinagmulan
“Pag-asikaso sa mga dayuhan na nahihirapang bumalik sa kanilang sariling bansa o ibang bansa”
(Ini-update noong ika-19 ng Oktubre, 2020 ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/isa/content/930005847.pdf
→Edisyon para sa iba’t-ibang wika:
http://www.moj.go.jp/isa/nyuukokukanri01_00155.html
“Ukol sa pag-asikaso nang mga aplikasyon para sa status of residence nang mga nahihirapang bumalik sa Japan na may mga medium to long term na status of residence na mga dayuhan at mga dating may medium to long term na status of residence na mga dayuhan dahil sa epekto ng impeksiyon ng Corona Virus Disease o COVID-19”
(Ini-update noong ika-19 ng Oktubre, 2020 ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/content/001320105.pdf
“Ukol sa pag-asikaso nang mga aplikasyon para sa status of residence nang mga Technical Trainees na dumanas sa pagkalat ng impeksyon at iba pa ng nakakahawang sakit na Corona Virus Disease o COVID-19”
(Ini-update noong ika-7 ng Setyembre, 2020 ng Kawanihanng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/content/001317458.pdf
“Pabatid sa mga “Technical Trainee” mula sa Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan (Immigration Services Agency of Japan)”
(Ini-updatenoong ika-7 ng Setyembre, 2020 ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/content/001318821.pdf
“Gabay Para sa Suporta na Makapagpatuloy sa Pagtatrabaho ang mga Dayuhan na Napaalissa Trabaho at iba pa”
(Kawanihan ng Imigrasyon ng Japan)
http://www.moj.go.jp/content/001328029.pdf
→Edisyon para sa iba’t-ibang wika:
http://www.moj.go.jp/isa/nyuukokukanri14_00008.html