Ngayon naman po ay nais naming ihatid sa inyo ang pinakahuling impormasyon tungkol sa Covid-19 at mga bagay na may kinalaman dito.
Batid po natin na ang pagdating ng pandemiyang Covid-19 ang nagbigay ng malaking gimbal, takot at kalungkutan sa buong mundo. Gimbal sa biglaang paglaganap nito, TAKOT para sa lahat, sa kadahilanang wala kaagad narampatang-lunas at gamot para sa mga nahawa dito. At nagdulot ng kalungkutan at pighati dahil sa pagpanaw ng ating mga mahal sa buhay sanhi ng pagkahawa at pagka-impeksyon dito. Maraming uri at pag-iibang-anyo ang naganap sa Virus na ito.
Sa walang humpay na pagsusumikap ng mga dalubhasa sa iba’t-ibang panig ng mundo sa pagsasaliksik ng gamot na panlaban sa VIRUS ay naka-diskubre ang vaccination para dito. Maging dito sa Japan ay sinimulan ang pamamahagi nito sa mga matatanda at mga taong may taglay na mabigat na karamdaman. Dahil sila ang madaling maimpeksyon at dahilan ito upang madaling mahawa. At unti-unti ay ipinamahagi ito sa lahat ng tao ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga edad na sa ipinalagay na kinakailangang unahin. At hindi maitatanggi na bumaba ang bilang ng mga naimpeksyon simula ng ito ay ipamahagi sa mga tao.
Subali’t wala pa ring sapat na dahilan upang maging kampante ang lahat sap ag-aakala na ang pandemya ay ganap ng naglaho sa mundo. Sa ibang parte ng mundo ay may mga bansang hindi pa nababahaginan ng Covid Vaccine. May mga bansa na sa unang bahagi ng panahon ay bumaba ang bilang ng mga impeksyon, subali’t, muling nanumbalik sa dati ang bilang ng mga nagiging kritikal ang kalagayan dahil sa Covid-19. Sa kasalukuyan ay isa na dito ang England.
At dito sa Japan, kung atin pong natatandaan ay bumaba din ang bilang ng mga taong naimpeksyon noong bandang kalagitnaan ng tag-init nang nakaraang taon, ngunit muli itong nagsimulang dumami nang bandang November nang nakaraan ding taon hanggang sa umabot sa pinakamaraming bilang noong January nang taong kasalukuyan, kaya’t kinailangan ang ilang ulit na muling ilagay sa State of Emergency ang bansa. Dito sa Kobe City ay naitala ang pag-alon ng bilang ng dami ng mga na-impeksyon katulad sa ibang mga pangunahing lugar ng Japan. Kung kaya’t patuloy din ang mga hakbang ng siyudad upang mas marami ang makatanggap ng Covid Vaccine.
Narito po ang mga impormasyon na tungkol sa Vaccination.
Batay sa nakasaad sa homepage ng Kobe City na may petsang October 20, 2021, Ang Vaccine Car ay bibisitahin ang lugar na may kahirapan sa paggamit ng pampublikong transportasyon sa Kita Ward at Nishi Ward upang maabot ang bawat sulok ng lungsod at makapagbigay ng vaccine.
Target
・ Mamamayan ng Kobe (ang mga may vaccination ticket).
・ Posible ang pangalawang vaccine.
・ Pfizer Vaccine ang ginagamit.
Paraan ng pakikipag-ugnayan
・ Para sa mga reserbasyon at pagtatanong, tumawag lamang sa “Kobe Vaccine Car Dial”(☎: 078-771-9399). Piliin lamang ang oras, lokasyon at magpareserba mula sa iskedyul sa ibaba. Mangyaring mag-apply bago dumating ang deadline ng reserbasyon na nasa schedule sa ibaba., mangyaring gumawa ng reserbasyon deadline para sa iskedyul ng rehiyon na nakatala sa ibaba.
・Ang unang reserbasyon ay magsisimula sa Huwebes, Oktubre 21. At ang ikalawang reserbasyon ay maaaring gawin pagkatapos ng unang pagtanggap ng vaccine.
・Ang bilang para sa isang lugar ay hanggang sa 12 tao lang.
・ Para makatanggap ng vaccine ay kinakailangang mayroong (1) Vaccination Ticket (2) nakumpleto ang pre-med slip (3) ID.
Regional Visit Schedule(November)
Para naman po sa mga may edad na 12 taon hanggang 15 taong gulang at sa mga magulang o tagapangalaga.
Kapag magpapabakuna ang mga nasa edad na 12 taon hanggang 15 taong gulang, ay mahalagang lubos na maunawaan ng mga magulang at tagapag-alaga magiging epektibo at kaligtasan ng bakuna. Kumuha ng detalyadong mga panukala bago at pagkatapos ng bakuna. At kung maaari, ay kanais-nais ang pang-indibidwal na pagtanggap ng bakuna. Sa Kobe City, ay inirerekomenda na kumuha ng mga bakuna sa klinika o ospital na pinupuntahan, kung saan maaaring mapanghawakan ang kalusugan ng tao at matugunan na may detalyadong konsultasyon. (Mangyaring magpareserba sa pamamagitan ng telepono). Kinakailangan ang pagsama ng magulang o tagapangalaga ng bata. Gayunman, kung ang isang medikal na institusyon na inaprubahan para sa pagbibigay ng indibidwal na vaccination, ang isang junior high school at pataas ay hindi kinakailangang samahan ng magulang o tagapag-alaga. Mangyaring alamin ang tungkol dito sa iyong pinupuntahang ospital bago magpareserba.
Ang mga magulang ay kinakailangang samahan ang mga anak kung ang lugar na tatanggapan ng vaccine ay pang-grupo at malakihang inoculation venues na itinatag ng Kobe City. Kung ang edad ay nasa pagitan ng 12 at 15 taon, ay hindi makatatanggap ng vaccine, kung walang kasamang magulang o tagapangalaga. Ang mga mag-aaral sa elementarya na may edad na 12 ay kinakailangang samahan ng magulang o tagapag-alaga sa ospital man o sa pang-grupo at pang-malakihang inoculation venue.
Kung hindi masasamahan ng magulang o tagapangalaga dahil sa espesyal na sitwasyon, posibleng samahan ang isang kapamilya na pamilyar sa kalusugan ng taong tatanggap ng vaccine. Subalit, kung walang lagda ng magulang o tagapangalaga ang slip sa medikal na pagsusuri, kinakailangan ang isang Power of Attorney. Mangyaring i-download ang form mula sa internet, dalahin ito, ang inculation ticket atbp sa araw ng vaccination.
May pagkakataon na maaaring kontakin ang mga magulang kung kinakailangan upang kumpirmahin ang kalusugan ng taong tatanggap ng vaccine.
Noong Oktubre 30, 2021 sa 2:00 p.m., ang bilang ng mga naimpeksyon sa Covid-19 sa
Hyogo Prefecture ay 19 katao.
Bilang pinakamahalagang pag-iwas sa impeksyon ay, “Huwag mong alisin ang mask at iwasan ang pagkakaroon ng malakasan at malapitang pag-uusap”, “Panatilihin ang mahigit sa 1 meter na distansya kapag tinanggal ang mask. ” Hinihiling namin ang inyong patuloy na pakikipagtulungan sa pagsasagawa ng mga bagay na ito.
Patuloy po tayong maging maingat at ligtas.