May Sistema Ng Suporta Sa Mga Naghahanap Ng Trabaho (Kyushokusha Shien Seido)!

Ang “Sistema ng Suporta sa mga Naghahanap ng Trabaho” ay sistemang tulong ng Japan sa mga taong hindi makatatanggap ng “Employment Insurance (Koyo Hoken)” para agad na makahanap ng trabaho.

tg

※ Sa mga taong mas pa ang gustong malaman ay magtanong na lamang sa Hello Work sa inyong lugar.

●Kondisyon Upang Makakuha Ng Suporta
Lahat nang nasa (1) – (4) sa baba
(1) Nagsumite ng aplikasyon sa Hello Work na naghahanap ng trabaho
(2) Walang “Employment Insurance”, hindi nakatanggap ng “Benepisyo Para Sa Mga Nawalan Ng Trabaho (Shitsugyo Kyufu)”.
(3) Hangad na makapagtrabaho at may kakayahan.
(4) Kinikilala ng Hello Work na kinakailangan ang suporta.(Halimbawa)
Hindi makakatanggap ng “Benepisyo Para Sa Mga Nawalan Ng Trabaho.”
Nakatanggap ng “Benepisyo Para Sa Mga Nawalan Ng Trabaho, subalit hindi
pa makakita ng panibagong trabaho.
Mga taong nawala ang pinapatakbong pinagkakakitaan.
Nakapagtapos ng pag-aaral subalit hindi nakakuha agad ng trabaho.

 

●Ukol sa “ Pagsasanay sa Trabaho”

“Pangunahing Kurso (Kiso Course)”
→ Para makapagtrabaho ay matututo sa maikling oras ng para sa pangunahing kakayahan
“Pagsasanay na Kurso (Jissen Course)”
→ Matututo ng kinakailangang kakayahan kung anong uri ng trabaho ang gustong pasukan

⮚ Oras ng Pagsasanay : 1 kurso 2 buwan hanggang 6 na buwan
⮚ Para sa kongkretong impormasyon ay pakitingnan na lamang ang Hello Work Internet Service

https://www.hellowork.mhlw.go.jp/

●Ukol sa “Benepisyo sa Pagdalo sa Pagsasanay sa Trabaho”

<Nilalaman>
100,000yen bawat buwan
Pera para makadalo sa lugar ng “Pagsasanay sa Trabaho
Pera para titirahan (*)
(*) Kapag kinilala ng Hello Work na kinakailangan na lumipat ng tirahan para sa pagsasanay

<Kondisyon para Makakuha>
(1) Mababa sa 80,000yen bawat buwan ang sariling sweldo
(2) Ang sweldo ng buong pamilya ay mababa sa 250,000yen bawat buwan
(3) Mababa sa 3,000,000yen ang pag-aari kasama na ang pananalapi (Kinyu Shisan)
(4) Pwera sa tinitirhan sa kasalukuyan ay walang pag-aari na lupa at gusali sa ibang lugar
(5) Lahat ng pagsasanay ay pumapasok
(6) Walang tumatanggap sa kapamilya nang parehas na benepisyo
(7) Sa nakalipas na 3 taon ay hindi nagsinungaling o nagkamali, hindi nakatanggap ng anumang benepisyo

* Habang nagsasanay at kapag natapos na ay kailangang pumunta ng Hello Work para sa konsultasyon ukol sa trabaho = Konsultasyon sa Trabaho (Shokugyo Sodan)

Kung ang “Benepisyo sa Pagdalo sa Pagsasanay sa Trabaho” ay hindi makakapamuhay, maaari namang makahiram ng pera (subalit kailangang ibalik sa hinaharap).
Para sa mga detalye, magtanong na lamang sa Hello Work.

 

● Proseso
Proseso para makadalo sa pagsasanay
1. Hello work sa tinitirhang lugar ay magsumite ng aplikasyon na naghahanap ng trabaho
Sabihin na gustong gamitin ang “Sistema ng Suporta sa mga Naghahanap ng Trabaho”
     ↓
2. Pumili ng kurso ng pagsasanay sa Hello Work
     ↓
3. Magsumite ng aplikasyon sa Hello Work para sa pagsasanay
     ↓
4. Isumite ang porma ng aplikasyon sa pagsasanayang lugar
     ↓
5. Magkakaroon ng eksaminasyon sa pagsasanayang lugar (panayam o sanaysay)
Ang tungkol sa panayam o sanaysay ay magtanong sa Hello Work at magprepara.
     ↓
6. Kapag dumating ang notisya na “Nakapasa (Gokaku)”,
humingi ng “Plano sa Suporta sa Pagtatrabaho (Shushoku Shien Keikakusho)” sa Hello Work.
     ↓
7. Dumalo sa pagsasanay
Sa itinakdang araw ay pumunta sa Hello Work para sa Konsultasyon sa Trabaho

 

Proseso para sa “Benepisyo sa Pagdalo sa Pagsasanay sa Trabaho”
1. Sabihin na gustong makatanggap ng benepisyo
     ↓
2. Humingi ng papeles para sa “paunang pagsusuri (Jizen Shinsa)” para sa benepisyo (♦)
     ↓
3. Sulatan ang papeles para sa paunang pagsusuri para sa benepisyo at isumite. (♠)
     ↓
4. Kunin ang resulta ng paunang pagsusuri
Humingi ng papeles para sa aplikasyon
     ↓
5. Magsumite ng aplikasyon ng benepisyo sa pagpunta sa Hello Work para sa Konsultasyon sa Trabaho

* Ang mga sumusunod ay hindi maaaring makatanggap ng “Benepisyo sa Pagdalo sa Pagsasanay sa Trabaho.”
Kaya mag-ingat.

・Hindi pumunta sa Hello Work sa itinakdang araw.
・Hindi dumalo sa pagsasanay/ nahuli (late)/ maagang umuwi (kahit 1 beses)
(Kung may dahilan ay kailangan ang katunayan. Komunsulta lamang.)

 

(♠)Kailangang mga papeles para sa paunang pagsusuri ng
“Benepisyo sa Pagdalo sa Pagsasanay sa Trabaho”

・Papeles na nakasaad ang pansariling numero (Halimbawa: My Number Card)
・Residence Card (Zairyu Card)
・Papeles mula sa Hello Work  (♦)
At iba pang itinakdang papeles (Para sa mga detalye ay magtanong na lamang sa Hello Work)

 

● Para sa Pakikipag-ugnayan

Hello Work ng lugar kung saan nakatira
Lugar ng Hello Work na may tagapag-saling wika (simula Mayo 2020)
https://www.mhlw.go.jp/content/000592865.pdf

 

<Sanggunian at Pinagmulan>

「求職者支援制度のご案内」(厚生労働省)
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/koyou_roudou/koyou/kyushokusha_shien/index.html

この記事を他の言語で見る
アラビア語 インドネシア語 英語
韓国語 スペイン語 タイ語
タガログ語 中国語 日本
ネパール語 ビルマ語 フランス語
ベトナム語 ペルシア語 ポルトガル語
マレー語 モンゴル語 ロシア語