Maari na ring makatanggap ng bakuna para sa COVID-19 dito sa Japan.
1.Kailan makakatanggap ng bakuna?
Maaaring makatanggap ng bakuna simula sa February 17, 2021 hanggang February 2022. Subali’t may mga pagkakataon na magkaroon ng mga pagbabago.
2.Sino ang maaaring makatanggap ng bakuna?
Ang maaaring makatanggap ng bakuna ay ang nasa edad na 16 na taong gulang pataas. Hanggang sa magkaroon ng sapat na dami ng bakuna ay pansamantalang ibibigay ito nang naayon sa mga sumusunod.
1.Mga doctor, nurses at mga nagtatrabaho sa ospital
2.Mga taong nasa edad na 65 taong gulang at pataas (nakatakdang simulang bakunahan sa April 1)
3.Mga taong may sakit
4.Mga tao na hindi kabilang sa una hanggang pangatlo
3.Saan makakatanggap ng bakuna?
Maaaring makatanggap ng bakuna sa mga ospital na nasasakupan ng inyong tinitirahan o sa mga lugar na itinalaga para dito. May mga notipikasyon na magmumula sa inyong Ward Office.
4.Paano ang aplikasyon?
*Magpapadala ang Ward Office na sumasakop sa inyong tirahan ng “Notipikasyon para sa VACCINATION TICKET at COVID-19 VACCINATION” sa pamamagitan ng koreo.
*At kapag napag-alaman na kung maaaring makatanggap ng bakuna, alamin ang ospital o nakatalagang lugar kung saan makakatanggap ng bakuna.
*Gumawa ng reserbasyon sa pamamagitan ng telepono o internet.
*Sa araw ng pagbabakuna ay huwag kalilimutan na dalahin ang inyong VACCINATION TICKET at bagay na mapagkakakilanlan tulad ng Driver’s License, Health Insurance Certificate o kaya ay Residence Certificate Card.
5. Magkano ang pagpapa-bakuna?
Libre ito, at walang kailangang bayaran dahil ang gobyerno ang magbabayad para dito.