.今月のあんしんつうしん
「Mag-CHIKAHAN tayo mga MISIS」 (相談会チラシと同内容)
Kailan ba yan???
Sabado, ika-21 ng Pebrero 2021 Ala-1 hanggang alas-4 ng hapon.
Saan tayo magkikita-kita???
Suma-ku Bunka Center (Suma-ku Cultural Center) 3F (meeting room)
10 minuto kung lalakarin mula sa istasyon ng JR Takatori o sa may istasyon ng JR Suma Kaihin Koen
Sinu-sino ba ang puwedeng mag-join???
Kayong mga magigiting na Ina ng Tahanan na nakatira sa Kobe.
※Puwedeng isama ang inyong mga anak. May mga Ate at Kuya na pwedeng makipaglaro sa mga bata.
Anu-ano ang mga CHIKA???
Lahat ng gusto niyong i-chika tungkol sa buhay-buhay bilang mga momshie. Mga bagay-bagay na ukol sa mga anak, trabaho at sa kalusugan. Ang buong pagtitipon ay para sa tutoong CHIKAHAN, masayang usapan, palitan ng kuro-kuro at mga dinaramdam tungkol sa sarili at sa pamilya. Ito ang oras para ibahagi ang makukulay at makabuluhang karanasan nating mga Ina at mga Na-Tay (Nanay na Tatay pa).
Para sa lahat ng makikipag-chikahan may inihanda kaming munting handog para sa inyo.
※Bahagi ng programang ito ang makatulong sa mga ina ng tahanan. Kung mayroon mga pinagliitang damit o gamit ng bata na hindi na ginagamit maaari ninyong ibahagi ito upang mapakinabangan ng iba.
※Meron nakalaang 1 oras sa mga gustong humingi ng payo o gusto pang makipag-usap ng personal sa aming mga Volunteers. Kailangan lang nating magpatala sa pamamagitan ng FAX o E-mail dahil ito ay limitado sa 6 na tao lamang.
Asian Women’s Empowerment Project
FAX : (078)734-3633
E-mail: awep@tcc117.jp
2.今月のテーマ:Malaking Lindol 1995 1.17
Ang Japan ay isa sa mga bansa na maraming lindol ang nagaganap. Sinasabi ng mga dalubhasa na may posibilidad na magkaroon muli ng malakas na paglindol sa mga susunod na taon. Kung kaya`t nais naming ibahagi sa inyo ang ilang impormasyon kung ano ang mga pangunahing dapat gawin.
Shindo : Ang lakas ng pag-uga ay shindo 7
Hindi po natin masasabi kung kalian may magaganap na lindol kung kaya`t unahin ang kaligtasan ng sarili.
●Mga Bagay na dapat gawin bago magkaroon ng sakuna.
1. Pag-usapan ang tungkol sa mga dapat gawin at lugar na lilikasan at kung paano makikipag-ugnayan.
2. Siguraduhin na laging ligtas sa loob ng tahanan katulad ng paninigurado na hindi matutumba ang malalaking kagamitan sa loob ng bahay
3. Huwag maglagay ng mga bagay na makakasagabal sa daan.
4. Alamin kung saan ang daan papunta sa `hinanjo`.
(hinanjo : ang evacuation centers katulad ng mga paaralan. Dito ay may mga nakahandang pagkain at tulugan.
●Pag may Lindol
1. Kapag nasa loob ng kuwarto
* Lumayo sa istante/lalagyan ng mga libro at bintana, magtago sa ilalim ng mesa. At hintayin na humupa ang pagyanig.
* Sa oras na humupa ang pagyanig, patayin ang apoy para maiwasan ang sunog.
*Buksan ang pinto at situraduhin ang labasan.
*Magsuot ng sapatos para hindi masugatan.
*Dalhin ang mga importanteng bagay sa panahon ng paglikas.
*Siguraduhing ligtas ang paligid bago lumabas.
2. Sa loob Elevator
*Kapa gang elevator ay di kusang huminto, pindutin ang lahat ng pindutan ng mga palapag at bumaba kaagad pagka bukas ng pinto.
3. Habang nagmamaneho ng kotse
*Itabi at ihinto ang kotes sa kaliwang bahagi ng daan at patayin ang makina. Pabayaang nakakabit ang susi sa sasakyan at lumikas sa ligtas na lugar.
4. Malapit sa dagat: Maaring magkaroon ng tsunami kaya lumikasa sa isang mataas a na lugar na malayo sa dagat.
5. Malapit sa bundok: Maaring gumuho ang bundok o bangin kaya lumikas sa isang ligtas na lugar.
6. Malapit sa Gusali: Maaring gumuho ang gusali at bumagsak any bagay kaya lumayo dito.
◆About us
Ang Masayang Tahanan ay isang Philippine Community na itinatag ng WORKMATE dito sa Kobe noong 2015 sa layunin na mabigyan ng pagkakataon at lugar ang mga Nanay na naninirahan dito sa Kobe upang madinig ang kanilang suliranin at magkatulungan sa pagbibigay ng solusyon para dito.
◆What we do
Ang Masayang Tahanan po ay may programang pag-aaral na ginaganap tuwing 2nd at 4th Linggo ng buwan. Ang Japanese Class, Tagalog Class para sa mga bata ay nag-uumpisa ng 1:30-3:00 ng hapon. Ang Computer at Caregiver Class naman ay nag-uumpisa ng 3:30-4:30 ng hapon.
Maliban sa mga pag-aaral, lumalahok din ang Masayang Tahanan sa mga aktibidad tulad ng Tabunka Festival at Multicultural Café.
Nagkakaroon din po kami ng Study Tour. Sa ganitong paraan, unti-unting nagkaroon ng kaanyuan ang grupo.
◆Information
Kung nais po ninyong malaman ang iba pang mga bagay tungkol sa Masayang Tahanan, ay maaari po kayong tumawag sa aming telepono, o mag e-mail sa accont naming sa Facebook. Maaari po naming kayong padalahan ng “Dyaryo ng Tahanan” ang newsletter ng ating grupo, ganun din sa ating pamphlet.
Maaari po kayong maging miyembro ng MT kahit na hindi kayo nag-aaral sa mga Program Class ng grupo. Welcome po ang lahat!!!